PAANO BA? PAANO MAKA MOVE-ON?


PAANO NGA BA MAG MOVE-ON?

im sure na alam mo din eh! kaso di mo magawa kasi nga mahal mo pa, so paano kung kelangan na talagang lisanin/iwan yung taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo? kasi may bago na sya at wala kang magawa kundi umiyak at magpatama sa social media, tigilan mo nayan 

sobrang hirap mag move-on lalo na kung matindi nayung pinagsamahan nyo, at kung ilang taon na kayong nagsasama. tara! pagchikahan natin kung paano maka move-on



HERE'S THE 10 TIPS PARA MAKA MOVE-ON KANA KAY EX-LOVER

IIYAK MO! IIYAK MO YUNG TODO TODO! LIKE TO THE HIGHEST LEVEL!

makakatulong yan sa bagong break-up kasi malaki ang posibilidad na gumaan ang loob mo kapag ini-iyak mo, maganda din yun kasi mawawala yung sikip sa dibdib mo. kahit lalaki ka iiyak molang! PERO wag sa mataong lugar kasi magmumukha kang tanga! 

KUMAUSAP NG KAIBIGAN o KAPAMILYA

they will give you some advices na pwede mong i-apply sa pagmu-move on mo, they will not give you advices na makakasama sayo isipin mo mahal ka ng kaibigan mo o pamilya mo so kailangan mong pakinggan at gawin yung mga advices na ibinibigay nila sayo. mag open ka sa kanila sabihin mo sa kanila yung mga naging problema ng EX mo

WAG NG LAPITAN SI EX

kung maari wag monang lapitan si EX, kasi babalik na naman yung mga pinagdaanan nyo, manghihinayang ka sa relasyon nyo at aasa kapa ulit na magiging kayo. kung labis kanang nasaktan TAMA NA! maawa ka sa sarili mo

DELETE MO NA YUNG MEMORIES NYO SA PHONE MO

iDelete mo na yung mga conversation nyo sa text WAG MONANG BASAHIN ULET! delete monadin yung number nya pati yung mga pictures? delete mo na din oo masakit pero kailangan AT PLEASE LANG! WAG MONANG ITEXT!

WAG KANANG MAGHIGANTE

wag kanang magpo post sa social media na manloloko sya! para kalang humahanap ng atensyon ng iba. wag monang balakin na patayin o saktan si EX kasi lalo molang sinasaktan sarili mo! pabayan monalang yung KARMA sa kanya

HANGOUT WITH FRIENDS

kung 1 linggo kanang nagmumukmok? aba! hindi nayan pwede! i-enjoy mo naman ang life mo. lets hangout with friends para sumaya ka naman, mag videoke ka yung feeling na kumanta ka ng kunwaring walang nakakarinig sayo, hindi makakatulong kung lalo mo pa syang iniisip

KAUSAPIN SI GOD

imbis na mag mukmok ka eh kasuapin monalang si God, tutulungan ka ni God na ayusin yung mga problema mo at lagi mong tandaan na si GOD ang magbibigay sayo ng walang hanggang pagmamahal 

IWASAN YUNG MGA BAGAY NA MAKAKA ALALA KAY EX

tulad ng mga regalo nya sayo, mga pictures nyo together. TAMA NA! WAG KANANG MANGHINAYANG SA MGA BAGAY NAYAN! TAPOS NA! LALO MOLANG SINASAKTAN SARILI MO! ilagay mo na sa baul ang memories nyo ni EX! 


WAG PILITIN ANG SARILI KUNG AYAW NA TALAGA NI EX

magmumukha kang aso! ayaw na nga sayo hahabulin mopa? tandaan mo to KAPAG SINUKA KA NG ISANG TAO GUSTO PABA NYA ITONG LUNUKIN ULET? diba hindi? maawa ka sa sarili mo! napagod na syang mahalin ka! so kelangan mong tanggapin yon! 

LOVE YOURSELF

at the end of the day ikaw padin yung masusunod, nasasayo kung susundin o babaliwalain lang yung mga advices na binibigay sayo ng ibang tao. mahalin mo ang sarili mo kung ayaw nya sayo patunayan mo sa sarili mo na may dadating pa na mas better sa kanya yung taong kaya kanang mahalin sa kahit anong paraan. sabi nga nila kapag may umalis may dadating. MOVE ON! dapat fresh ka lagi! hindi yung haggard ka! hindi maganda yung lagi kang umiiyak! sige ka papangit ka!, mahalin mo sarili mo ganun din yung mga taong nagmamahal sayo

gawin natin silang isang aral sa buhay.


dumating sila sa buhay mo/natin para patatagin lalo tayo.

No comments

Powered by Blogger.