SI BES! BROKENHEARTED!


PAANO MALALAMAN KUNG BROKEN O SAWI SA PAG-IBIG SI BES?





HUMIHINGI NG ADVICE 

"Hindi ko na kaya!!! ayaw kona" "pare-parehas silang manloloko!" 
" wala syang pinagkaiba sa EX ko!" "dapat nakinig nalang ako sayo"

ayan! matigas kasi ang ulo ni bes! kaya pag nasasaktan/iniwan ng jowa nako! hihingi na naman ng advice yan sayo! mag da-drama! iiyak-iyak! ano ngayon?! ilang advice nayan ah! sige padin ng sige?! ano to? landi all you can?. advice? so advice na naman ang hingi nyan sayo! kausapin mo ng matino habang sa maka move-on then ayun isang araw may jowa na ulet! hay bes!


NAGYAYAYANG MAG-INOM/GUMIMIK

nakaka-gulat lang kasi yang si bes! manlilibre ng hindi mo malalaman ang dahilan ayun pala iniwan ng jowa! hay, edi tuwang tuwa ang barkada kasi makakatikim ng libre! ayun lang pag nalasing na sya nako! handa na kayo at kumuha na ng popcorn kasi magda-drama nayan


GREAT PRETENDER 

kunwari hindi nasasaktan, kunwari wala lang sa kanya yon! hay nako! pag kasama mo sya tahimik lang yan, kinikimkim yung sakit na nadarama. kunwari sila pa! kunwari ka text pa nya EX nya, hindi yan magpapakita ng motibo na naghiwalay sial kasi nga HINDI NYA MATANGGAP!

HINDI MAKAUSAP SA GROUP-CHAT

busy kasi si bes sa pag-iyak! nilalabas nya muna yung mga bigat sa dibdib nya ( hindi yung ano ha! ) nilalabas nya yung galit at feelings nya dun sa EX nya ayyy :(

HINDI MAKAKAIN NG MADAMI

maninibago ka kay bes kasi kapag sabay kayong kumakain, wala syang ganang kumain ni hindi sya makaubos ng isang kanin e dati nakaka tatlo yan! edi ang ending ikaw yung uubos! tuwang tuwa kapa!, pero yan ay naka move on  na! nako! magiging 4 ang kanin nyan

TULALA SI BES

minsan monang tinanong sa kanya kung naka shabu sya, yung kakausapin mo sya para mo na ding kinausap ang hangin, sapukin mo si bes! nako! masama nayan baka lumala! mahuhuli yan ni duterte!

NAPAPAKANTA SA VIDEOKE

yung feeling na napapakanta nalang sya sa videoke kahit tunog bagyo yung boses nya, kakanta yan ng mga rock song kasi ayaw nyang maging malungkot! syempre ikaw naman tong walang hiya, papatugtugin yung mga hugot song ayun! luhaan na naman si bes 

HINDI NA-REPLY SA TEXT

yung magagalit ka sa kanya kasi hindi sya na reply sa text mo kahit importante, tanungin mo naman ang isasagot nyan ay " magloload pa! sino gang itetext? magsasayang lang ng load"  

MAHILIG HUMUGOT SI BES!

kapag naguusap-usap ang barkada ay tahimik lang sya, pero nung makausap nyo na at matanong nako puro hugot ang sagot nyan, matatawa nalang kayo habang sya seryoso

MAYAT-MAYA ANG POST SA FACEBOOK O TWITTER

nako! mga friend! mahaba-habang basahin na naman tong makikita natin sa wall ni bes! then magshe-share yan ng mga PATAMA quotes/post sa EX nya mga

" mamatay na manloloko "
"iniwan moko? maglaway ka ngayon"
"single and free! ang sarap maging single"
"PARE-PAREHO SILA! WALA NG LOYAL SA NGAYON"

.............................

advice kolang, kapag brokenhearted si bes dapat pakinggan natin sya o pasayahin. ilibre natin kung maari aliwin natin sya! kasi hindi lang naman yun sa kanya mangyayari e! pwede din sa inyo sa atin :) 

hope you enjoy! 

No comments

Powered by Blogger.