KINAYA KOBANG AKYATIN ANG MT. MACULOT?






ito na! kw-kwentuhan ko nalang kayo! haha. nasa bucket list kodin yung umakyat ng bundok PERO pag mga 30-40 years old nako pero nagkakayaaan at sinasama din naman ako so why not?. buti nalang at nakatulog pako which is madami akong project nung kinabukasan ng pag akyat namin 4-5 hours lang ang natulog ko kasi 3 ay ginising nako then 4 ay aalis na. 1 hour yung byahe namin pa cuenca so mejo napapapikit pako don at nakanakaw ng konting tulog (para-paraan) so ayun im so excited na to experience this kind of adventure so walang patumpik tumpik pa e nagsimula na kami.

7 na ng umaga nung nakadating kami sa sa cuenca kasi may hinintay pa kami, so nagtanong tanong kami sa mga tao don kung saan nga ba kami mag sisimula. tinuro nila kami dun sa mga tourguide. so ang una naming ginawa is nagbayad ng registration at hindi ko alam kung magkano kasi si ate ang nagbayad non ang alam kolang is yung rates ng tour guides. 

so nagsimula na kami at ilang steps palang ay mejo nakakramdam nako ng pagod. halos maubos na agad yung water ko sa bag. then after non na fifeel kodin na nabibigatan nako sa bag ko kaya pinadala konalang sa mga kasamahan ko. nasa kalagitnaan na kami ng bundok at gusto konang sumuko HAHAH yung para ayw kona pero wala akong magawa kundi umakyat padin haha. 

here's some of my TIPS para sa nagbabalak mag try umakyat ng MT. maculot 

1. importante talagang mag hire kayo ng tour guide lalo na kung 1st time nyong ma experience ang pag akyat ng bundok. kung hindi kayo mag ha-hire baka maligaw kayo kasi may masyadong masukal na daan at merong daang napaka tirik which is tour guide yung magibibgay sa inyo ng advice para don. may bayad ang pag kuha ng tour-guide at ito ay dipende sa aakyatin. ang binayad namin is ( 1000 pesos at 8 kaming magkakasama ) may kamahalan man pero worth it yung ibabayad nyo kasi magiging safe naman kayo 

2. magbaon ng tubig, pagkain na hindi masyadong mabigat ( ang dinala namin non  is skyflakes at kanin with Spam at century tuna ) magdala din ng candy like mentos basta minty yung lasa ng candy 

3. sabi ng aming tour guide dahan dahan lang daw ang paginom ng water at wag bigla kasi may possibility na dumiretso to sa baga natin at maging cause din daw ng pananakip ng dibdib

4. magdala ng towel mga 3 towel kasi guys grabe nung nandon na ako sa mejo paakyat bigla kong na realize na wala pala akong dalang face towel so i decided to use my extra tshirt in my bag para pampunas ng pawis ko so lesson learned talaga. then magdala ng extra shirt :)

3. wag kalimutan ng SUNBLOCK na lotion kasi hindi nyo naman masyadong mararamdaman yung init kasi mahangin pero nakaka itim talaga to guys so kelangan mataas yung SPF ng lotion na i aapply natin sa body natin at magsuot nadin ng cap.

5. pag aakyat kayo may mga tindahan naman ng palamig like buko juice, mineral water and softdrinks and pwede kayo don magpahinga which is kailangan talaga ng break kasi baka mabigla yung katawan natin kung tuloy-tuloy at walang tigil.

6. makinig sa tour guide! at wag pasaway. wag lalayo sa mga kasama kasi you know baka ka maligaw at wala masyadong tao sa bundok nayon at pwede ka talagang mawala so wag pasaway. sabi din ng tour guide namin is may mga unggoy daw na pagala gala don at mag ingat sa snakes.

7. hindi man sa pagiging judgemental ha pero feeling ko talaga hindi to makakaya ng mga matataba :( sorry so word nayun ha. seryoso. may nakasuno kasi kami e mejo chubby palang sya e umiyak na sya habang pababa ng bundok then naawa ako sa kanya so advice kolang pero kung gusto nyo talagang ma experience GO! pero dapat matatag lang ang loob mo.


8. tingnan yung mga kinakapitan! kasi may mga sobrang matitinik na halaman na pwede nating makapitan at dapat tingnan talaga natin yung mga kakapitan natin kasi baka ahas nayung hinahawakan natin HAHA joke. pero dapat talaga maingat tayo kasi may times talaga na lulusot ka, tatalon ka, at mag slide ka.

9. isuot nyo na guys yung pang matibayan nyong shoes! yung hindi masisira 

10. e-ENJOY mo ang bawat view na makikita mo, enjoy modin yung pag akyat ng bundok at wag isipin ang pagod kasi pag inisip mo lalo kang mapapagod. magdasal bago umukayat ng bundok at magkaisa kayong magkakasama. ang sarap lang talaga sa feeling guys na nasa tuktok ka ng MT. maculot kasi grabe yung pagod na pinagdaanan mo na para pag tungtung mo palang sa tuktok ay masasabi mo nalang ay " THANKS GOD!"


                                        WATCH MY MT. MACULOT VLOG  ( CLICK HERE )

2 comments:

  1. im happy you enjoyed your hike! :D havent done that since the day i was born. LOL pero sana, kayanin ng puso ko. Just dont know when. anyhow, thanks for sharing! :D

    from Myxilog with love

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi! sorry for the super duper late reply HAHA! Go girl! mag plan na kasama ang mga family/friends mo :)

      Delete

Powered by Blogger.