TIPS DITO, TIPS DOON NI BES!


Hi guys! im back! YESSS! after 3 or 4 months yata e nagbabalik ako dito, by the way i wanna share with you guys a "Paano Iwasan ang Stress para sating mga Teenager?" i know guys na walang
nakakaiwas sa stress but here's some of my tips for you guys na pwedeng makatulong

im 17 yrs old and madali akong maiyamot kahit sa maliit na bagay..... at dito nagsisimula yung galit ko and there was a time nga na basta nalang ako maiiyamot 

im not a type of teenager na palaging nakikipag inuman, nag smoke madalas lumabas with friends... Ok nako sa kwarto ko na may phone, loptop, foods at ofcoures wifi... kahit na napaka dumi ng kwarto ko na parang jungle na dahil sa mga nakakalat ng bote ng tubig/softdrinks, mga balat ng pagkain, mga plato, mga tubal and everything... i just locking my door para walang makapasok kahit pag si mama na ang pumasok nako! ihanda kona ang tenga ko dahil alam nyo na guys..... but at the end of the day e sya din yung maglilinis HAHA! 

pero ngayong may pasok nako, nagkaroon ng mga friends at natutong mag drive ng sasakyan e mejo naiiba na... but syempre hindi padin ako yung tipong nag iinom etc.. its my choice na lumabas din haha na makisalimuha sa ibang tao because why not? lalo na pag stressed ako nako! aaliwin ko talaga sarili ko, kasi ayaw kong ibigay yung time ko sa stress 

at dahil usapang stress nato e nako! siguro madalas mona din tong nararanasan...

1. STRESSED DAHIL SA PUYAT


lalo na sa nag ka-college.. actually im a type of person na gustong mag puyat lagi kasi alam nyo guys pag 24/7 bukas yung wifi nyo sa bahay you cant stop surfing chuchu hanggang sa di namamalayan ang oras... when i was in 1st year college para petiks lang kasi puro minor subjects lang yung tinetake ko ( believe it or not yes guys HAHAHA) nakakapag puyat padin ako kasi 1 PM start ng class ko every MWF so malaki yung time for puyat and i really really love it... then ngayong 2nd year college ay nako! na feel kona yung pagiging college ko kasi dahil 7AM yung stars ng klase ko at dahil sa mga major subjects ko... mejo malas? or basta ganon nadin haha dahil may ilang prof talaga na parang sugo ng diablo kung makapag assignments... so ayun nagkukulang nako sa tulog at parang kulang lagi ako sa energy at madalas mapagod AT mejo nahina ang utak ko HAHAHA 

so tips ko guys is kapag may time talaga na para matulog edi itulog mo! then turuan mo din ang sarili mo na matulog ng maaga like around 9-11 ng gabi? ( aww ang hirap haha) then importante din ang uminom ng vitamins para din sa katawan natin, at syempre kumain din tayo ng healthy foods. 

kapag may assignment e gawin agad! para makatulog pa kahit kaunti :)

2. STRESSED DAHIL MAY GUSTONG BILHIN 


luho na naman? bakit may ipon kaba para jan? haha.. i wanna share with you guys my experience about sa mga gustong kong bilhin na bagay like damit or shoes... im a teenager na nahihiya ng humingi so i have a raket using internet ( HINDI ITO SCAM! HAHA ) so ayun nabibili ko naman yung mga gusto ko... pati ang mahal ng tuition ko pati minsan binibigyan pa nila ako ng allowance sa school pati mga pamproject

one time talaga when i was 14 yata yon nasa mall ako non with my sibs so ayun lagi ko silang niyayaya sa penshoppe mga bench mga ganong brands kasi nga affordable naman kasi.. then i asked some money to them para mabili yung nagustuhan ko at binigyan naman nila ako.... then i realized na ayyy 14 nako dapat mejo gumagalaw nako i mean dapat kumikilos nako para matutustusan ko naman kahit papaano yung sarili ko kumbaga yung mga gustong kong bilhin is manggagaling mismo sa aking pera... so after non nag start ako ng online shop at ayun ok yung kinikita ko dun and at the age of 15 e nag ka ATM na agad ako haha ako mismo yung nag open non kasama kapatid ko... so ayun mejo nagka ipon naman don at don ko nakukuha yung mga ipambabayad ko sa mga gusto kong bilhin. wala naman problema sa mga parents ko yung bili ako ng bili sa sarili ko Proud pa nga sila dahil hindi ako madalas nahingi sa kanila.

so ayun guys kung mejj kapos din naman yung family mo e tiis muna, kasi hindi sa lahat ng pagkakataon e makukuha mo kung anong gusto mo. swerte mo nalang kung may mababait kang kapatid o kaibigan na handang ibigay yung gusto mo BUT hindi ibig sabihin non e dalasan mo.. i mean dapat HINDI MAKAPL ANG MUKHA hahahah! but guys kahit hindi natin mabili o maangkin yung mga gusto natin is dapat mag look back ka sa mga blessings na dumating sayo.. maging thankful sa kung anong meron ka, Humanap ka ng maayos na pagkakakitaan yung marangal at walang malolokong tao. turuan mo din ang sarili mong magpigil sa mga bagay na ginugusto at dapat syempre smile lang palagi at magpasalamat kung anong meron ka ngayon.

3. FAKE FRIENDS


syempre guys hindi ko na sasabihin sa inyo kung nagkameron nako ng fake friends haha! kasi ako yung tipong kahit sino jan maka daldalan e ok lang.. yung wala akong pake kung fake o tunay sya kasi TAKE NOTE GUYS! mas masaya kung magiging blessing tayo sa kanila.. basta alam mo sa sarili mo na tunay kang kaibigan para kanila kahit na Fake yung trato nila sayo... mas masarap talagang maging mabait nalang kesa makipag plastikan din :) actually never akong natakot mawalan ng friends, kasi alam ko naman sa sarili ko kung paano maging isang kaibigan sa kaibigan so wala akong dapat katakutan kung bakit mawawala sila.. kasi kung iisipin molang yun STRESS lang yon bes haha :) ang mahalaga hindi ka nagkulang s apag trato sa kanila... na naging mabuti ka sa kanila at naging REAL :) 

so maging nice :) habaan ng pasensya sa kanila :) at syempre always smile

4. MGA INSECURE 

may kilala ako talagang ganto sakin e haha pero pinababayaan konalang sya kesa naman mag away pa e maging nice nalang ako sa kanya haha!... alam nyo guys kung may nahihili sa inyo tas galit pa sya sayo e wag monalang pansinin.. hintayin mo nalang magka meron ng gamot para sa kanila then bigyan mo sila

my tipo kasing nahihili sa magandang paraan.. yung sasabihin sayo kung "magkano to?", " paano ka nagka ganyan?" yung ok naman yung effect sayo.. yung hindi ka makakaramdam ng bigat ng loob sa kanila.. 

kapag ako naman ay na e-insecure lagi kong unang tanong sa sarili ko na "kung magkakameron ba ako non e sasaya ba talaga ako?" then kapag na realized ko yung sagot don e nawawala na.. kasi mahirap talagang kalaban ang insecurities 

so guys ito nalang tips ko haha! controlin mo ang sarili mo sa isang bagay dahil lang meron yung iba at laging itanong sa sarili kung "kung magkakameron ba ako non e sasaya ba talaga ako?"

5. HAVING A BAD GRADES

AYAN! MAG REVIEW KASI! HAHAH pero most of us naman siguro e nakaka experience na bad grades.. yung feeling na parang binigay mo naman yung best mo pero hindi pa pala to sapat haha! at nagiging dulot to ng stressed satin.

ngayong college e mga pasado pa naman yung mga grades ko haha! pero syempre inihahanda kodin ang sarili ko para sa mga subjects na pwede ako mabagsak... BUT kung ayaw mo namang mangyari yon edi syempre mag rereview ka talaga at gagawa ng mga projects etc. 

ako basta pasado yung grade ko e ok nako... atleast diba? haha so kung nagka bagsak ka! edi bumangon ka bes! kasi parang natural lang yan sating mga nag cocollege! ang hirap kaya! haha so dapat laban lang! at wag paka stress :)




THANK YOU GUYS! SEE YOU ON MY NEXT POST? HAHA! BY THE WAY PARA LALO NYO AKONG MAKILALA EDI I SUBSCRIBE NYOKO SA YOUTUBE :)


AT PANUORIN DON ANG MGA VLOGS KO :) THANK YOU!

No comments

Powered by Blogger.